
haii !! ang ganda ng umaga sana ganito din kaganda ang araw ko ngayon ..
paglabas ko ng bahay namin para bumili ng shampoo nakita ko ang mga tsismosa sa aming lugar .. haii tsismis na naman sila wala ng inatupag kundi pagusapan ang mga buhay ng tao sa aming lugar , sana naman darating ang araw na naririnig kong pinag-uusapan nila tungkol sa pano sila uunlad ..
grabe talaga ang tao ngayon wala ng pakialam sa nangyayari sa ating ekonomiya basta makakain lang ang mga anak nila sa isang araw kuntento na wala silang pakiaalam sa edukasyon .. hindi ba nila alam na ang edukasyon ang sagot sa kahirapan ..
naaawa na lang ako sa mga batang hindi nag-aaral imbes na libro ang hawak nila sako ang pinahahawak ng kanilang mga ina upang makatulong sa araw araw na pangkain nila .. naiisip ko tuloy na bakit sila anak ng anak kung hindi naman nila kayang buhayin . mahirap na nga nagpapakahirap pa lalo .. nakakaawa lang tuloy ang mga batang ito ano na lang kaya ang naghihintay sa kinabukasan nila ? sa panahon pa naman ngayon hindi ka tatanggapin sa inamplayan mo kung wala kang papakita na patunay na nakapagtapos ka .. ang iba nga dyan tapos sa pag-aaral nahihirapan pa ring maghanap ng trabaho . ang hirap talaga ng buhay ngayon kailangan magsumikap upang makaalis sa kahirapan .. naisip ko tuloy ng oras na iyon na kasalanan din ng mahihirap nating mamamayan kung bakit lalo silang naghihirap sa buhay ehh !! pano aasa nalang sa tulong ng pamahalaan aba hindi kailangan habangbuhay an ganun sila .. binigyan naman ng aking talino ng diyos hindi nga lang nila ito ginagamit sa ikakaganda ng kanilang kapalaran .. aba lahat tayo pinanganak ng may aking talino !! haii huwag ka na nga lang isipin yan oras na para pumasok .. pati sa paaralan nakita ko rin ang mga kabataang lalake na pumasok sa computer shop imbes na school dun dumiretso !! ito namang may ari ng computer shop pumayag pa rin na maglaro ang mga kabataang lalakeng ito para lang may makitang pera !! kawawa naman ang mga magulang ng mga ito nagpapakahirap maghanap buhay upang may ibaon lang sila sa paaralan aba hindi hinihingi ang pera aa pinagpapawisan din nila ito tapos ganun ganun lang ang paggasta ng pera .. pano na kaya uunlad ang bansa natin kung ang pag-asa ng bayan ay sa computer shop ang bagsak .. meron din naman pumapasok nga ng school pero hanggang school lang hindi man lang itatapak ang sapatos sa classroom .. kawawa naman ang mga kabataang ito walang alam sa buhay !! hanggang kailan kaya ganito ??
sana naman magbago na tayo kung gusto talaga natin ng pagbabago dapat unahin muna nilang baguhin ang kanilang mga sarili dahil hindi tayo uunlad kung walang pagbabagong magaganap .. oo malaya na tayo sa mga mananakop pero sana naman isipin din natin ang mga bayaning nagbuwis ng buhay upang makamit lamang ang bansang ito !!
alam kong darating ang araw na ang bansa natin ay uunlad din !! dahil hanggat nasisilayan pa natin ang araw may pag-asa pa upang magbago !!!
No comments:
Post a Comment