Saturday, November 7, 2009

ang buhay ng preso





nasubukan mu na bang makulong ?malayo sa mahal mo sa buhay ?nakukulong ang mga nag-kasala kaya pinagbabayaran nila ito sa loob ng selda !! seldang puno ng luha at kalungkutan at kasalanang pinagsisisihan. selda ni kahit daga ay hindi makakatakas !kung iyong napapansin bakit parang wala man lang tayong daing na naririnig galing sa kanila ?talaga bang masarap ang buhay preso ? o puno na sila ng hinanaing nahihiya lang ilabas dahil silay nag-kasala naman ?kung ating susuriin mahirap ang buhay preso sa loob ng seldang bakal at puro pulis na hawak ang baril .ng minsan akoy nakapasok sa loob nd selda upang dalawin ang aking ama .. akoy nangamba sa kanilang kalusugan. sa bawat kwarto lima ang natutulog at kung ikaw ay mamalasin dun ka matutulog sa sala .sa sobrang dami na ang nakakulong napuno na ang sala na datiy iilan lang ang natutulog dito .nakakapagtaka kung saan sila kumukuha ng pera para kumainakoy nabigla sa aking nakita may rasyon pala sila ng pagkainang kapirasong kanin at ulam ay nakalagay sa mangkok.at uso pala dun ang TATSULOK dahil kapag ikaw ay mayaman ikay parang buhay hari na may alipin pa !! masasabi mo pa nga ata na sana dun ka nalang habang buhay .. pero ang mahihirap na preso ay ramdam na ramdam ang kanilang pag-kulong .nung makita ko ang kanilang kalagayan merong awa ang naramdaman ng aking puso . awa ang tangi kong naramdaman ng araw na iyon .naiyak ako ng makakita ako ng ubod na tanda na nakakulong parin.nakakaawang baka dun pa pumanaw ang matanda sa loob ng seldang bakal ni hindi man lang nya masisilayan ang ganda ng ating mundo ..nung araw na iyon nagalit ako sa ating pamahalaan kay tanda na nakakulong parin . napagbayaran na rin naman nya ang kanyang mga kasalanan ! pero bakit nandun parin sya ?hindi makatarungan ang pag trato sa kanila . malayo palang ng matagal sa kanilang pamilya ay lubusan ng kalungkutan ang dala nitopati pa ba ang pag trato sa kanila kailangang malupit din ?hindi naman gagawa nga kasalanan ang isang tao kung wala itong dahilan o rason man lang !nasaan na ang milyong nilyong nakukuha ng gobyerno ?parang hindi man lang ramdam ito sa loob ng kulungan!!makulong ang pinakamahirap na mangyari sa yong buhayalam ko sa iba pinagsisisihan na nila ang kanilang kasalanan .nakakalungkot isapin na sa bawat pag mulat ng iyong mga mata ang iyong makikita ay seldang bakal na minsan mu ng pinag planuhan kung pano sirain !!huwag sana tayong manghusga sa mga taong nakakulong hindi naman nila kagustuhan na mangyari sa kanila iyon .. sa loob na selda na puro luha at kalungkutan ang dala nito sa kanilang puso .. na sa bawat minuto oras araw at taon ay umaasang makakalabas din sila sa seldang bakal na iyon at nangangakong hindi na ulit papasok ulit dun kailan man ..sana naman bigyan pansin din natin ang mga taong ito hindi naman porket nagkasala lang ay lilimutin na natin na silay kabilang din sa lipunan.. nakakatuwang tingnan ang ngiti ng mga preso kapag dumadalaw ang kanilang pamilya .. ngiti na hindi matutumbasan ng pera !!kaya nung araw na iyon sinugurado kong

No comments:

Post a Comment