Saturday, November 7, 2009

aking kaibigan !!!



aking kaibigan kamusta ka na ? oo ikaw nga ung kasama ko lagi.. ang tagal na rin ng huli nating pag-sasama . na mimiss ko na ang bonding nating dalawa !!
ikaw ba na mimiss mo na rin ?? aking kaibigan ang dami mo na palang tampo sa akin .. humingi naman ako ng sorry diba ?? pero ang tangi mo lang sabi '' ITS OVER !!'' naintindihan ko iyon kaibigan kaya masakit man sa akin kailangan galangin ang desisyon mo .. pero sana man lang aking kaibigan bago ka nag-pasya nag-isip ka muna ng maiigi .. pero alam ko kaibigan wala na kong magagawa !!
ang dami nating pinagsamahan .. naalala mo pa kaibigan ng tayo lang lagi dalawa ang laging magkasama sa school ?? sabihan ng mga sikreto !! ang saya natin nun kaibigan pero naging masaya ka ba talga sa bawat araw na magkasama tayo ?? naalala mo pa kaibigan ng madalas tayong magpunta ng mall nun ?? oo alalangalala ko pa iyon kaibigan .. naalala ko pa nga ng minsan ikay may nagustuhan sa mall pero ito palay bakla .. nakakatuwa ka noon nung malaman natin iyon !! tsaka nung nag-brown out sa mall diba takot na takot ako nun todo hawak ako sayo baka kasi mawala ako !! pero ikaw ay kaytapang !! naalala mo pa nun ng minsan tayo ay magswimming dahilan pa natin nun mag-prapraktis tau akala pa nga natin hindi iyon tuloy pero pag ginusto talaga natin gagawin natin !! nagalit ka pa nga sa akin nun nung muntik na tayo malunod !! pano hindi ako marunong lumangoy kaya kumapit ako sayo .. at nung huli mong punta sa aming bahay !! may nakita pa tayong duguan na lalaki nakakatawang tumakbo tayo dahil sa takot,, at ang huli mong kain sa aming bahay !! akala ko lahat ng ito ay walang katapusan nun kaibigan .. pero nagkamali ako nag kagalit tayo nun diba !? pero nag kabati din .. hindi nag daan ang mag araw iakw kaibigan unti unting lumalayo ang loob mo sa akin hanggat wala na tuluyan ng naguho ang ginawa nating pagkakaibigan .. patawarin mo ko kaibigan kung hindi kiTA pinahalagahan ng ikaw ay nasa akin pa lamang !! ngayon iba na ang kaibigan mo masakit man kailangan tanggapin dahil alam ko kaibigan ako ang may sala lahat ng ito !! namimiss ko na ang bonding natin kaibigan .. namimiss ko na ang pag-ipit na mahaba mong buhok ..
sana kaibigan mabalik natin ulit kahit subukan mo lang , subukan mo ko ulit pag-katiwalaan !!
gusto ko ulit makasama ka sa bawat simula ng araw hanggang itoy mag-tapos !!
kung alam ko lang sana kaibigan na ang huli pala nating bonding ay ung sa scot . sana sinamantala ko na ang panahon !!
ngayon kaibigan ibang iba ka na nga hindi mo na ko pinapansin !! pero pag katandaan mo sana wala akong galit sayo kaya kung maisipan mo na pansinin ako go !!kaibigan tatanggapin kita ng buong puso..
sana masaya ka !! alam ko namang masaya ka kahit wala ako !!
sana magawa natin ulit ang dati !!
isa lang masasabi ko sa iyo ........................................................................
SALAMAT AKING KAIBIGAN !!!

No comments:

Post a Comment