Saturday, November 7, 2009

sa aking kapwa kabataan

sa mga kapwa ko kabataan magising na tayo sa tunay na nangyayari sa atin
hindi na tayo mga bata pa na kailangan pang turuan ng ating mga magulang tayoy may isip at damdamin na . alam kong hindi tayo mga manhid alam na natin ang tunay na kalagayn ng ating inang bayan , pero bakit parang wala lang sayo ?? dito ang bansa mo dito ka pinanganak , dito mo unang nasalayan ang ganda ng mundo .. oo ang pilipinas ang bansa mo bansa ko at bansa nating lahat !! pero kapwa ko kabataan bakit parang wala ka lang pakialam sa nangyayari ?
bakit nagbubulagbulagan ka ? bakit parang wala kang pakiramdam ? iniisip mo lang ang iyong sarili !! pero ang bansa mo wala kang pakiaalam !!
ang dami ng nabubulakbol na kapwa ko kabataan ..
ang iba nating kapwa kabataan ay natutong humawak ng drugs !! bakit nga ba nila iyon ginagawa ? kulang ba sila sa disiplina ?
ang mga kapwa kong kabataan na kababaihan .. marami na ang lumalabas sa balita na binibenta nila ang kanilang katawan ang kanilang murang katawan !!
bakit ba nila ito nagagawa ? ginagawa ba nila ito dahil kulang sila sa pag-mamahal ? ang iba ko naman kapwa kabataan ay nasa bakal na selda dahil ang kanilang mga kamay ay nabahiran ng dugo !! bakit kaya nila nagawa iyon ?? meron namang mga kapwa ko kabataan na pinalad nga ngunit imbes na pag-butihin ang kanilang pag-aaral binabalewala nila ito !!
paulit-ulit na gumugulo ito sa aking isipan !! pano na tayo nito aasenso kung ang pag-asa ng bayan natin ay naliligaw ng landas !! ginawa ko ito upang sakaling magising ang mga kapwa ko kabataan ..
hahayaan na lang ba natin na sisihin tayo ng ating susunod na lahi dahil sa kanilang madilim na kinabukasan ?? ako hindi papayag at alam kong kasama ka rin dun .. magbago tayo alam kong kaya natin ito hindi pa huli ang lahat para sa magandang kinabukasan !! tulangan natin ang ating mga kapwa kabataan na hindi na mahanap ang liwanag ,, intindihin natin sila dahil tayo tayo rin naman ang mag-kakaintindihan .. alam kong hindi ikaw papayag na mag-sisi sa bandang huli .. gusto ko ng magandang kinabukasan at alam kong tayong lahat ay kagustuhan din iyon !! hindi ko bibiguin ang ating mga bayaning nag-buwis buhay upang makuha lang itong bansa natin !! kahit alam kong mahirap ang buhay kailangan makapag-aral tayo dahil karapatan natin ito .. karapatan natin na gumanda ang buhay!
may karapatan tayo na maiayos ang magulo nating buhay !!

No comments:

Post a Comment