Sunday, December 6, 2009

AKO LANG BA TALAGA ??

ang mga manunulat ba ay talagang

mabilis masaktan ?

ang mga manunulat ba talaga ay

sadyang mabilis pumatak ang kanilang mga misteryosong luha ??

ang mga manunulat ba talaga ay sadyang

pinapairal ang kanilang emosyon ??

ng sa ganun makagawa sila ng magandang sulatin ??

o talagang sadyang ako lang ang ganito ??

ako na mabilis masaktan ang aking puso

ako na mabilis pumatak ang aking mga luha

na sa tingin ko nga ay nagkakaintindihan ang dalawa

na kapag ako’y umiyak

ako’y nasasaktan

at kapag ako’y nasasaktan

ako’y umiiyak

at ang aking mga kamay kukuha ng lapis at papel

ng sa ganun ay maisulat ang aking damdamin

na hindi kayang sabihin ng aking mga bibig ….

MARY GRACE BECINA

No comments:

Post a Comment