Tuesday, December 15, 2009

HUSTISYA !!



NAKARAANG NOBYEMBRE 23,2009 NABULAGA ANG BUONG PILIPINAS SA BALITANG KUMALAT NA MAY NATAGPUANG 64 NA KATAO ANG WALA NG BUHAY . MGA TAONG PINAG-KAITAN NG KALIGAYAHAN,MGA TAONG PINATAY NG PARANG HAYOP,MGA TAONG MANUNULAT,MGA TAONG NAGBIBIGAY DAAN SA ATIN UPANG MAGISING SA KATOTOHANAN. BILANG ISANG KABATAAN ANG TANGING MAGAGAWA KO LANG AY ISULAT ANG MGA GUSTO KO SANANG MANGYARI SA KASONG ITO . NA SANA TUTUKAN NATIN ANG KASONG ITO AT MAKULONG ANG TUNAY NA MAY SALA . MABIGYAN SILA NG TUNAY NA HUSTISYA . ALAM KONG MAHIRAP ITONG LABAN NA ITO LALO NA MAKAPANGYARIHAN ANG ATING BINABANGGA , DAHIL NGA SYA'Y MAKAPANGYARIHAN KAYA NYANG BILHIN ANG BUHAY NG TAO AT BILHIN DIN ANG KAILANGAN NA HUSTISYA .. NA KAYA SANA SA MGA HUMAHAWAK NG BATAS HUWAG NAMAN TAYO PAPADAAN SA PERA , MANAIG SANA SA INYONG MGA PUSO ANG KATOTOHANAN . MANGYARI SANA ANG TUNAY NA HUSTISYA SA KASONG ITO AT SANA LANG HUWAG ITONG MANGYARI SA MGA IBANG KASO NA TULUYAN NG NAKALIMUTAN NG ATING MGA KABABAYAN .

HUWAG NA SANA ULIT PA ITONG MANGYARI SANA HAYAAN NYO NG IPAHAYAG NG MGA MEDIA ANG KANILANG DAMDAMIN SA PUBLIKO !!

WALA NA SANANG PATAYAN PA ANG MANGYARI

SANA HULI NA ITO ..

MAKAMIT SANA ANG TUNAY NA HUSTISYA ..

mary grace becina

Sunday, December 6, 2009

AKO LANG BA TALAGA ??

ang mga manunulat ba ay talagang

mabilis masaktan ?

ang mga manunulat ba talaga ay

sadyang mabilis pumatak ang kanilang mga misteryosong luha ??

ang mga manunulat ba talaga ay sadyang

pinapairal ang kanilang emosyon ??

ng sa ganun makagawa sila ng magandang sulatin ??

o talagang sadyang ako lang ang ganito ??

ako na mabilis masaktan ang aking puso

ako na mabilis pumatak ang aking mga luha

na sa tingin ko nga ay nagkakaintindihan ang dalawa

na kapag ako’y umiyak

ako’y nasasaktan

at kapag ako’y nasasaktan

ako’y umiiyak

at ang aking mga kamay kukuha ng lapis at papel

ng sa ganun ay maisulat ang aking damdamin

na hindi kayang sabihin ng aking mga bibig ….

MARY GRACE BECINA